Aling Rosi meets Mang Larry

(pictures to follow)

ISAW CULTURE. yan ang tawag nila sa dinadayong kainan sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa lang si mang larry sa mga nagtitinda ng masarap na isaw sa Campus, ang isa naman ay naka puwesto malapit sa LAW Builiding. sa halagang P3 isang isaw baboy o manok+ P1 sawsawan, depende sa tibay ng sikmura mo, suklit ng meryenda o pang libre sa mga org mates ang isaw food trip lalo na pag gusto mo magtipid. Dinarayo ang lugar na ito. Minsan pwede ka pa ngang may makasabay na mga celebrities. Madami ding dumarayo na mga nakaKotse pa talaga, may mga araw ding durugo ang Ilong mo sa mga Konyo na makakasabay mo, ‘making kain isaw under the trees’. Palagay ko naman ay malinis ang isaw na ito, kaiba sa mga nabibili lang sa kalye. Hindi mo kasalo ang iba pang consumers sa sawsawan nila, at wala pa naman ako nababalitaang na HEPA sa pagkain nito. pero hindi lang sa DIiliman may ganito kasarap na Isaw, sa SSS Village sa Marikina, sa panorama, matatagpuan ang tindahan ni ALing rosi ng isaw. Mas mahal ng konti ng ang bentahan ng isaw baboy (P7.50) pero ang sawsawan na gawa nila ay mas kaiba sa sawsawan na tinda ni mang larry. Manamis namis ito at malinamnam kapag kasama na ng sapat na luto ng isaw baboy. sabayan lang ng sakto o mountain dew, swak na.

Pero laban man ni mang larry o aling rosi, kung malinis at malinamnamn ang isaw mo, sa qc at marikina mo ito matatagpuan.

:) *burp*

2 Tugon tungo sa “Aling Rosi meets Mang Larry”

  1. joanne ay nagsabing:

    Masarap talaga ang isaw ni Mang Larry.Kahit hindi ako taga-UP,ntikman ko pa rin ang kilalang isaw na malapit sah Law bldng.kakabusog.Iba talaga ang lasa.
    Kanina nga,andameng posh ika nga na hindi rin napigilan ang pagtikim.Sah bubong pa ng kotse kumain.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.