Marikina Food Tripping: Indie Restaurants

Hunyo 12, 2009

Marikina, the city known for shoes and fuchsia color. Among 3 siblings, I had the most memories in our hometown. My bestfriends and I grew up here, I spent my glorious elem and HS days in St. Scho Marikina (oo meron talagang St scho sa marikina) and I witnessed how the marikina river and the whole city was revived when Bayani Fernando (now running for Philippine President) became Mayor.

I basically know that the city, on an aerial map view looks like a horizontal letter Y, that Kapitan Moy started the shoe business during the Japanese Era on underground rooms of resident houses, and most of all I am very much proud to say that Marikina is one of the cities in Manila that has better discipline and ordinances than other cities of the region. (*siyempre biased ako.hehe)

But what interests me since I started working and now able to provide myself with the luxury of time and capability to spend is the emerging trend of food businesses here. And I am talking not just the ordinary food carts but “indie” restaurants that provide good food and ambiance.

On http://www.munchpunch.com/restaurants they provided a list of Marikina “Restaurants” and fastfoods:

The usual mainstream Jollibee, Mc Donalds, Greenwich, Chowking, Pizza Hut, Yellowcab, Goldilocks, Red Ribbon and Shakeys are listed but I am sure most people have tried these fastfoods already, *hello mass production and commercialism*

So I am listing down the places I have tried with friends and establishments I want to visit for my next scheduled food trip.

CHECKLIST

1. Qizia Cafe aka SDS- CHECK
2. DELI HABIT- CHECK
3. Cafe Feliz-CHECK
4. Morgan St.-CHECK
5. MADISON-CHECK
6. Pan De Amerikana-CHECK
7. Luyong- CHECK
8. Tapsi ni Vivian- CHECK
9. Biksa Coffee- CHECK

10. Edongs
11. Bellinis Marikina
12. Mackys
13. Kusina ni Kambal
14. any suggestions?

so there.. this is my general list. Reviews and pictures to follow :)

I am proud to be a Marikenya.
(lalo na at masarap kumain dito )

Its not just the image we portray as the “Pink City” but more than this, its how residents like me enjoy the interesting and simple life here. The comfort of the familiar crowd and the assurance that yes, the good things in life are just around the neighborhood.

*BF image from: http://frjessie.files.wordpress.com/2007/06/bayani.jpg

proud marikenya

proud marikenya

Aling Rosi meets Mang Larry

Mayo 25, 2008

(pictures to follow)

ISAW CULTURE. yan ang tawag nila sa dinadayong kainan sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa lang si mang larry sa mga nagtitinda ng masarap na isaw sa Campus, ang isa naman ay naka puwesto malapit sa LAW Builiding. sa halagang P3 isang isaw baboy o manok+ P1 sawsawan, depende sa tibay ng sikmura mo, suklit ng meryenda o pang libre sa mga org mates ang isaw food trip lalo na pag gusto mo magtipid. Dinarayo ang lugar na ito. Minsan pwede ka pa ngang may makasabay na mga celebrities. Madami ding dumarayo na mga nakaKotse pa talaga, may mga araw ding durugo ang Ilong mo sa mga Konyo na makakasabay mo, ‘making kain isaw under the trees’. Palagay ko naman ay malinis ang isaw na ito, kaiba sa mga nabibili lang sa kalye. Hindi mo kasalo ang iba pang consumers sa sawsawan nila, at wala pa naman ako nababalitaang na HEPA sa pagkain nito. pero hindi lang sa DIiliman may ganito kasarap na Isaw, sa SSS Village sa Marikina, sa panorama, matatagpuan ang tindahan ni ALing rosi ng isaw. Mas mahal ng konti ng ang bentahan ng isaw baboy (P7.50) pero ang sawsawan na gawa nila ay mas kaiba sa sawsawan na tinda ni mang larry. Manamis namis ito at malinamnam kapag kasama na ng sapat na luto ng isaw baboy. sabayan lang ng sakto o mountain dew, swak na.

Pero laban man ni mang larry o aling rosi, kung malinis at malinamnamn ang isaw mo, sa qc at marikina mo ito matatagpuan.

:) *burp*

Ploning: Ito ang palayaw ng kulturang pinoy

Mayo 17, 2008

huwag mo itong papanoorin sa 14″ TV mo sa bahay.

pwedeng kandidato ang pelikulang ito sa tagline ng ‘WOW PHILIPPINES’. Wala na akong masasabi pa sa ganda ng Cinematography ng pelikulang ito. White Sand, Malinaw na tubig, Piyestang Pinoy, Sayawan at Bugtungan habang nagbabalat ng kasoy na mga kababaihan, tunay ngang ipinakita ng palabas na ito ang isang bahagi sa mapa ng Pilipinas, ang lugar ng mga Cuyunan sa Palawan at ang mga likas at tradisyunal na kayamanan at kultura nito.

Ngunit ang pagiging bida ng pelikulang ito ay hindi lamang dahil sa magagandang imahe nito sa malaking screen ng sinehan kundi higit sa lahat ay ang pagganap ng sikat na idolo ng masa na si Judy Ann Santos. Sa Sta Lucia East ako nanood at bilang isang art film, hindi ko akalain na madami-dami ding tao na halos kumalahati sa bilang ng mga silya sa sinehang iyon. siempre pa, si Juday yata yun. Sinasabi ng ibang si tila si Mara ito mula sa dating teleserye na bubuhaying muli ni Ploning ngunit bilang si Judy Ann ay mayroong MAAMONG IMAHE sa Popular na kultura, masasabi namang tama naman ang karakter na ibinigay sa kanya. Marahil, kung sanay ka nga lang sa iyaking Esperanza, baka hindi ka matuwa sa kanya.

Higit sa malaking tulong ng kasikatan ni Judy Ann sa pagkilala sa obrang ito, mas higit na dapat bigyang pansin ang iba pang mga karakter ng pelikula mula sa teatro katulad na lamang nina Tony Mabesa at Eugene Domingo. At mas higit sa kanila, ang natural na pagganap ng batang si DIgo ang talaga namang nakapagbigay ng karagdagang kulay sa puting buhanginan at malinaw na dagat. Ang mga bersong nabanggit sa ilang bahagi ng pelikula ay masasabing napakatingkad sa pagbibigay nito ng lokalidad. Ang matandang Digo at binatang si Siloy na hindi naman sikat na mga artista ay dapat ding bigyan ng isang masigabong palakpakan sa pagganap. Ang mga nagsiganap ay pinaghalong mga bihasa sa sining ng pag-arte at pamumuhay at kulturang Cuyunan. kapwa nakatulong para sa kalidad ng mga karakter na nagbigay hustisya sa pelikula. sana nga lang ay napansin ito ng madaming manonood at hindi lamang dahil ‘pelikula ito ng idolong si Juday’.

ang isa pang bahagi ng pelikula na dapat bigyan ng malakas na palakpak ay ang masining na editing ng pelikula, ang pagbabalik tanaw na istilo ng kwento ay nabigyang katarungan ng pagkakaayos ng bawat pangyayari. ang bawat senaryo ay naging bahagi ng isang binubuong puzzle.

Ngunit kung ikaw ay naghahanap ng isang kakaibang kwento, bilang isa itong indie film, mahuhulaan mo kaagad ang pinagmulan at katapusan ng buhay ni Ploning katulad sa isang Puzzle na pinaghiwa-hiwalay lamang ang mga piraso upang makabuo muli. Hindi ikatutuwa ito ng madaming bihasa sa mga ganitong uri ng kwento ngunit palagay ko ay isang mabisang hakbang upang mas tangkilikin ito ng pagtinging Pinoy. lalo pa at sasamahan ng elementong ‘paghihintay sa nawalay na pag-ibig’ at pag-asa ng ‘paghihintay sa iniwang pangako’ na likas sa mga teleseryeng kasama na sa popular na midya.

Ginamit din sa pelikulang ito ang lokal na dialekto ng isang lugar sa Palawan at masasabi na isang magandang paraan upang maipakita sa mga manonood na hindi lamang Tagalog o Bisaya ang dialekto sa bansa.

Pagkatapos ng pelikula, kung hindi ka nga lamang babatuhin ng nasa likod mo ngh popcorn ay mapapatayo ka sa iyong kinauupuan upang palakpakan ang buong produksyon ng pelikula, higit sa lahat dahil, ang Buhay ni Ploning ay sumalamin sa madaming kulturang Pilipino at pagbubunyi sa katatagan at kagalingan ng mga babaeng Pilipino. Ang pagbibida kay Ploning kasama sina Celeste, Alma at Nieves ay salamin ng isang kulturang alaga at puspos ng pag-asa pagpapatuloy ng bawat araw.

katulad ng pagbibigay ng mga palayaw sa mga naninirahan sa Cuyo, isa itong napakapersonal na pelikula para sa atin. Ang ngalang Ploning ay isang palayaw sa isang pelikulang may tatak ng kasiningan at kagalingan ng artistang Pilipino.

Hello world!

Abril 27, 2008

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.